William Lachica, klinaro ang pangalan sa Kalibo Public Market controversy

Ni: ExplainED PH - Aklan

Larawan: Radyo Todo

Pinabulaanan ni dating Mayor William Lachica ang kontrobersiya na siya ang nagmamay-ari ng lupa sa Judge Nicanor Martelino Street, Barangay Andagao, Kalibo na tinitingnang lugar na pansamantalang paglilipatan ng Kalibo Public Market at nilinaw na ito ay isang private property. 


“Una don du dokumento, titled property, bukon tat aton dun,” pangangatwiran ni Lachica sa isang panayam kasama ang Explained PH - Aklan.


Ipinaliwanag din ng dating alkalde na ang mga paratang na ito ay pamumulitika lamang at ibinato diumano ng mga tao upang hindi matuloy ang proyekto dahil ang credit ay mapupunta kay Lachica. 


Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nasisimulan ang relokasyon dahil nakatanggap ito ng maraming oposisyon mula sa iba't ibang sektor kabilang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry-Aklan Chapter, ilang miyembro ng Sangguniang Bayan Kalibo, at Asia-Pacific Medical Center-Aklan na katapat lamang ng plinaplanong lokasyon.


Previous Post Next Post