Lachica sa pagkontra sa Aklan River dredging project: 'Tama ro akong gin-ubra'

Ni: ExplainED PH - Aklan

Larawan: Panay News

Mariing idineklara ni dating Kalibo Mayor William Lachica na siya ay hindi nagkamali sa kaniyang pagsalungat sa dredging project na para sana sa Aklan River noong 2018.


“Protektahan ta nakon ro mga pamueuyo. Akon abing ginatan-aw hay… ro pamueuyo ro number one nakon nga protektahan, ag ro atong suba nga ginadaea ro graba sa Singapore,” dagdag pa niya.


Kadalasang ginagawa ang dredging o ang pagtatanggal ng buhangin at graba mula sa ilalim ng ilog upang matanggal ang basura, mga patay na tanim, gayundin ang iba pang mga kalat. Pinapanatili rin umano nitong malinis ang tubig, at inaalagaan ang mga bagay na buhay sa isang anyong-tubig.


Ayon sa dating alkalde, hindi umano layunin ng dredging project noon ang pagpapaganda ng daloy ng tubig kundi isa lamang "business transaction."


Previous Post Next Post