JOEN: ‘I am very qualified to be the governor of Aklan’

Ni: ExplainED PH - Aklan

Larawan: Jose Enrique "Joen" Miraflores FB Page

Bilang isang miyembro ng prominenteng pamilya sa pulitika, itinindig ni Mayor Jose Enrique "Joen" Miraflores na kung maluluklok sa pwesto ay hindi ito "minana,” bagkus ito ay dahil sa kanyang sariling kwalipikasyon at kapasidad na mamuno. 


“For me, I am very qualified to be the governor of Aklan. Maabo akong nahimuan iya sa amon—[nga] ginapabugae ko—or nabuligan kung paalin [mapaasenso] ro amon nga banwang Ibajay,” taas-noong pahayag ni Miraflores sa isang panayam kasama ang Explained PH - Aklan.


Kilala na sa mundo ng pulitika ang pamilya ni Miraflores, mula sa kanyang amang kasalukuyang Gobernador na si Florencio “Joeben” T. Miraflores, inang si dating Ibajay Mayor Ma. Lourdes Miraflores, at kapatid na kasalukuyang Sangguniang Panlalawigan member, Jose Miguel Miraflores. 


Gayunpaman, ibinunyag ng alkalde na hindi nito ginamit ang koneksyon sa ama kung paano patakbuhin ang Ibajay kundi umasa lamang sa kaniyang mga karanasan at kaalaman. 


And I know nga ako ngara hay capable gid kung paalin pa gid nga maging progresibo ro atong probinsiya, kung paalin kita makabulig sa atong pamueuyo, hay kasayod gid ako nga maubra ko run para kinyo—para sa [mga] Akeanon”  paninindigan ng Alkalde.


Previous Post Next Post