SALN REVEAL? Miraflores, handang isapubliko ang SALN

Ni: ExplainED PH - Aklan

Larawan: Rappler

Sa kabila ng mga akusasyon na korapsyon sa kaniyang mga magulang, matapang na ipinahayag ni Ibajay Mayor Jose Enrique "Joen" Miraflores sa isang panayam kasama ang Explained PH - AKLAN na pumapayag itong ipakita sa publiko ang kanyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).


Ayon kay Miraflores, bilang mga public officials ay obligasyon nila na ipakita sa publiko kung sila ay may tinatago o wala. 


"Siyempre ako hay very willing and open gid ako nga i-paguwa ko ro akong SALN. No problem nga makita’t tawo. As public officials hay that’s our obligation nga makita it tawo nga kung kita ngara hay may ginatago or uwa. And ako ngara, ever since [hay] transparent gid ako. That’s why agree gid ako nga ipaguwa ta naton du SALN," saad ng alkalde ng Ibajay. 


Patungkol naman sa mga paratang na ibinato sa kaniyang pamilya, iginiit ni Mayor Joen na malinis ang pangalan ng kaniyang mga magulang sa korte. 


"True, but they were accused but not convicted, sofrom the courts, hay naklaro gid-a run nga uwa sanda it saea, nga bukon it minatuod ro pag-akusar kanda…. Na-acquit [sanda] sa duyon ngarun nga cases. And i-check lang it atong tawo [mga Aklanon] sa korte, hay ‘wa man dun natago nga sanda ngara hay acquitted," paglilinaw ni Miraflores.


Matatandaan na naging matunog ang pangalan ng kanyang mga magulang na sina Governor Florencio “Joeben” T. Miraflores  at  dating Ibajay Mayor Ma. Lourdes Miraflores matapos makasuhan ng Office of the Ombudsman sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6713) dahil sa umano’y hindi nito pagdeklara ng halos 6.16 milyong piso na investments sa Rural Bank of Ibajay Inc. at hindi bababa sa apat na behikulo sa kanilang ipinasang SALN. 


Hindi kalaunan ay ibinasura din ng Sandiganbayan 2nd division ang apat na kasong kriminal na isinampa laban sa mag-asawang Joben at Ma. Lourdes Miraflores dahil sa  pagkabinbin at mabagal na pag-usad ng imbestigasyon at pagsampa ng kaso ng Office of the Ombudsman.


Previous Post Next Post