Joen Miraflores, nilinaw ang kanyang shoe collection

Ni: ExplainED PH - Aklan

Larawan: Sole Collector

Hindi itinanggi ni Mayor Joen Miraflores ang koleksyon nitong mga mamahalin at limited-edition na sapatos ngunit nilinaw na nakuha niya lamang ito sa retail price dahil sa mga koneksyon sa sneaker world mula sa mga supplier sa Maynila at US.

Ikwinento nito sa isang panayam kasama ang Explained PH - Aklan na magmula pa noon ay may interes na ito sa mga sapatos, nakahiligan umano niya ang mga loafer at top-sider na sapatos noong nasa kolehiyo at habang lumalaki ay nalipat ang hilig sa mga sneakers at rubber shoes. 

Madalas nakikita ang alkaldeng suot ang mga kilalang sapatos na kasalukuyang may mataas na halaga, sa katunayan ay naging tatak na nito ang pagpares ng sneakers at rubber shoes sa mga pormal na kasuotan.

“Harun abi ro akon nga personality. Karun ko malang mapaguwa sa tawo kung sin-o ako, kung sin-o si Joen Miraflores, with my fashion,” pangangatwiran ng alkalde. 

Ipinaliwanag din ni Mayor Joen na hindi ito namumuhay lagpas sa kanyang limitasyon, aniya, “For several years hay uwa ko man da ginapabugae hay libre ro akon nga baeay, libre tanan [pati] pagkaon, so ru akong suweldo nga nababaton hay nagagamit ko for my personal nga needs or personal man nakon nga gusto. That’s why natitipon ko man ra dahil…sa akon man nga gusto man nga gina-bakae. But harun ngani uwa ko ginapabugae [hay] ga-istar pa abi ako sa akong mga ginikanan, mawruyon ngani….nga ro akon nga nababaton nga suweldo hay para ta kakon—for my personal.”


Previous Post Next Post