Lachica itinangging nagpadala ng death threat sa isang lokal na mamamahayag

Ni: ExplainED PH - Aklan

Larawan: Aklan Forum

Diretsahang tinanggi ni gubernatorial candidate William S. Lachica ang akusasyon sa kaniyang binantaan ang buhay ng isang Aklanong radio broadcaster noong kaniyang panunungkulan bilang alkalde ng Kalibo matapos siyang tuligsain nito dahil sa diumano'y korapsiyon. 


Matatandaang noong 2014 ay nakatanggap si Radyo Todo broadcaster Jodel Rentillo ng text message na may bantang, "Punduha eon ing naubra ngarun hay bsi kumalat ing otak na sa suba ni Beltran." Ang tinutukoy na Beltran ay ang Beltran Building na pinagtatrabahuhan ni Rentillo.


"Kung usisaon dun it atong intelligence [officers] hay uwa gid ako karun it [kinalaman]," paglilinaw ni dating Kalibo mayor sa akusasyon. "Ang pagkatawo ngara hay bukon ako it mawruyon siguro." 


Sa kabilang banda, winika ni Lachica na pinoprotektahan niya ang kaligtasan ng mga kabataang Aklanong mamamahayag ngunit walang binanggit na ispesipikong programa para sa kanila. 


"Naila ngani ako sa mga programa niyo dahil kamo ro limog it kabatan-on nga nagapa-abot ko mga problema [ag] mga makabulig sa atong banwa," pagpuri ni Lachica sa mga kabataang Aklanong mamamahayag at ExplainED PH - Aklan.


Previous Post Next Post