Ni: ExplainED PH - Aklan
Larawan: Gng. Ivy Cipriano |
Pinasok at ninakawan kagabi ng mga hindi pa nakikilalang kawatan ang Tigayon Elementary School ng iba't ibang mga gadget.
Nadampot ng magnanakaw sa E-Classroom ng paaralan ang tatlong laptop, isang projector, isang wireless na mikropono, at isang printer sa nasabing silid.
Dagdag dito, nadatnan ni Gng. Ivy Cipriano, punong guro ng paaralan, ang sira-sira at bukas na mga drawer sa kaniyang opisina. Bumungad din sa kaniya ang gunting at pliers na ginamit ng kawatan para buksan ang mga drawer.
Hindi naman ninakawan ang principal's office, ngunit nakita sa conference table ng silid ang foot print at naiwang face mask na maaaring suot ng magnanakaw.
Nananawagan naman si Gng. Cipriano sa Facebook sa mga tao na kung mayroon silang ideya o pagbentahan sila ng mga ninakaw na gadget ay ipaalam ito sa awtoridad para mabigyan ng karampatang aksiyon.