Pamasahe sa trike ibinaba na sa 10 piso sa Kalibo

Ni: Bernadette Magoncia

Aprubado na ni Kalibo Mayor Emerson Lachica ang resolusyong naglalayong ibaba sa sampung piso (Php 10.00) ang pamasahe sa tricycle sa buong barangay ng Kalibo.

Photo By: Panay News


Ito ay base sa Resolution No. 2022-055, Ordinance Regulating the Operation of Tricycles in the Municipality of Kalibo within the period of the declared alert level system and fixing new fare rates in response to COVID -19 Pandemic na isinumite ni Hon. Matt Aaron P. Guzman, Sb Member ng nasabing bayan.



Dagdag pa dito, pinayagan na rin na ang pasahero sa isang tricycle ay lima (5) maliban sa drayber.


Sa kabila nito, ang ordinansa ay epektibo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1–3 lamang at kung tataas sa Alert Level 4–5 ang probinsya ay mapipilitan ulit ang mga drayber na ibalik sa dalawa (2) ang pasahero gayundin ang dating presyo ng pamasahe na Php 20.00.


Ang lalabag sa ordinansa ay maaaring mamultahan o maimpound ang minamanehong tricycle.


Matatandaan rin na maraming mga pasahero sa Kalibo ang umaaray sa presyo ng pamasahe na sinisingil ng mga tricycle drayber kahit na higit sa dalawa (2) ang sakay nitong pasahero.



Previous Post Next Post