Ni: ExplainED PH - Aklan
Larawan: Malay Municipal Tourism Office |
Kinumpirma ng Aklan Provincial Health Office (PHO) na nakapasok na nga ang Omicron variant ng COVID-19 sa probinsya ng Aklan nitong Miyerkules, Enero 26.
Ayon sa Aklan Provincial Epidemiology Office and Surveillance Unit (APESRU), ang kauna-unahang kaso ay isang fully vaccinated na 42 anyos na babae mula sa Batan, Aklan, na idiniklara ring isang high risk close contact.
ito ng kaniyang swab test noong Disyembre 26, 2021 at matapos lumabas ang resulta ay ipinadala sa Philippine Genome Center noong January 7, 2022 para whole genome sequencing, at lumabas na nga omicron variant ang nakatapon sa kaniya.
Sumailalaim na ang nasabing indibidwal sa mahigpit na 14 days-home quarantine at nakarekober na rin.
Sa kasalukuyan, mayroon nang naitatalang 14,525 kabuang kaso ang robinsya kung saan ay 902 ang aktibo.