Ati-atihan festival gallery, binuksan na sa publiko

 Ni: Amiel Roy Zaulda

Larawan: Emerson Sucgang Lachica


Opisyal nang binuksan sa publiko ang Kalibo Ati-atihan Gallery matapos idaos ang ribbon cutting ceremony nito noong Lunes, Enero 10, sa Civic Center, Pastrana Park, Kalibo, Aklan. 


Makikita sa nasabing exhibit ang mga entry ng mga nagsipaglahok sa mga patimpalak ng Ati-atihan Festival ngayong taon: mga Ati-atihan costume, mga imahen ng Sr. Sto. Niño na binihisan ng magagarang damit, mga Pinta Ati painting, mga mosaic, at mga manikang binihisan ng mga kasuotang gawa sa telang piña. 



Kahit na kinansela ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng mga aktibidad ngayong Ati-atihan Festival 2022 kagaya ng Ati-atihan Bazaar at Food Festival, mananatiling bukas sa publiko ang nasabing exhibit mula Enero 11 hanggang Enero 17. 


Sampung piso ang entrance fee sa gallery, samantalang libre na lang sa mga batang 12 taong gulang pababa at senior citizen. 


Previous Post Next Post