ni Shewinje Caroell Lim
Photo: nba.com |
Umarangkada si Stephen Curry bilang NBA's all time 3-point leader matapos lagpasan ang inilapat na record ni Ray Allen, na siyang nagdala sa Golden State Warriors sa tagumpay kontra New York Knicks, 105-96.
Naganap ang makasaysayang puntos ni Curry nang maipasok niya ang kaniyang ika-2,974 3-point shoot sa mainit na laban ng Warriors at Knicks noong Disyembre 14 ng gabi (Disyembre 15, Manila time).
Sa first quarter ng laro, agad na nagkagirian ang dalawang koponan.
Sa ikaapat na quarter, ipinasa kay Curry sa kanan ang bola at tuluyan nang ipinukol ang naglalagablab na tatlong puntos patungong goal, sa natitirang 7:33 ng laro.
Nakapagsagawa ng foul ang Warriors na nagresulta sa time-out, at ito ang naging hudyat sa pagsimula ng masigabong pagbubunyi para kay Curry.
Kasalukuyang nanguguna si Curry sa larangan ng bilang ng 3-point shots sa loob lamang ng 789 na laro. Nilagpasan niya ang 10-year record ni Allen na 2,973 puntos sa loob ng 1,300 na laro. Pangatlo naman sa listahan si Reggie Miller na may 2,560 puntos sa loob ng 1,389 na laro.
Idinagsa ng mainit na suporta at bati si Curry ng kanyang mga kapwa manlalaro, mga coach, at mga taga-suporta. Agaw pansin ang emosyonal na pagyakap ni Curry sa kanyang tatay na si Dell Curry, na siyang nakaupo malapit sa baseline.
Nakakalap si Curry ng limang 3-pointers sa nasabing laro.