ni Jayrha Yap
Itinaas na ng gobyerno ang target na COVID-19 vaccinations sa 1.5 milyon katao kada araw bago sumapit ang pasko, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. kagabi.
Ito ay upang mapanatag ang loob at mapaligaya muli ang pasko ng mga Pilipino.
Pinabibilis na ang roll-out ng mga bakuna at sa nakalipas na linggo, nasa average na 405,588 doses ng COVID-19 vaccines ang naituturok araw-araw.
Sa kabuuan, 24.49 million Pilipino na ang kumpletong nabakunahan na bumubuo sa 31.76% ng target population na 77.13 million. Samantala, 28.28 million, naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Kahit na bukas na sa publiko at mga kabataan ang pagbabakuna, tiniyak ni Galvez na prayoridad parin ang mga senior citizens, vulnerable sector, at mga frontliners.