'No vaccine, no entry' policy, ipinatupad sa mga tanggapan ng Aklan; mga Aklanong netizens, umalma

Ni: Amiel Zaulda 

Larawan: Jhay-ar T. Antayao

Nagkagulo ang mga Aklanon sa social media matapos i-anunsiyo sa opisyal na Facebook page ng Aklan noong Enero 12 ang bagong "No Vaccine, No Entry" policy sa mga provincial government office.


Nakasaad sa anunsiyo na tanging mga residenteng bakunado kontra COVID-19 lamang ang papayagang makapasok at makipag-transaksiyon sa loob ng lahat ng mga tanggapan sa lalawigan. Dagdag dito, kailangan na ipakita ng mga kliyente ang kanilang vaccination card sa guwardiya ng mga tanggapan bago sila papasukin ng gusali. 


Hindi naman nagustuhan ng ilang mga Aklanon ang bagong polisiyang ito kung kaya pinarating nila ang pagkadismaya sa comment section ng mismong post sa Facebook page na Aklan Province. 




Saan ng mga Aklanong netizens sa Facebook, hindi makatarungan ang polisiyang ito dahil lahat ng tao ay may kalayaan kung nais nilang magpabakuna o hindi. 


Previous Post Next Post