Ni: Jayrha Jayle Yap
Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) noong martes, Enero 18, isang araw matapos maipatupad ang “no vaccination, no ride” policy sa Metro Manila, na maari pa ring sumakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga unvaccinated at partially-vaccinated na mga manggagawa.
Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, papahintulutan na gumamit ng public transpo ang mga manggagawa sa mga lugar na nasa ilalim sa Alert Level 3 kapag ito ay may maipapakitang company ID o certificate of employment.
Dagdag pa nito, maaring palampasin ang mga commuter sa “no vaccine, no ride” policy kapag ito ay essential travel, kagaya ng pagbili ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
Makalulusot din ang mga unvaccinated at partially vaccinated commuters na may naka-iskedyul na passport processing o renewal ng lisensya o prangkisa kung may maipapakitang patunay.
Iginiit din ni Tuazon na maaring siyasatin ng mga local authorities bago paman makapasok sa public utility vehicle ang mga unvaccinated o partially vaccinated na commuter kung ito ba ay nagsasabi ng