Explained Ph - Aklan
Nagmistulang maagang pasko para sa mga Aklanong taga-suporta ng presidential at vice presidential tandem nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio ang pag-arangkada ng BBM-Sara Aklan Caravan matapos bumusilak ang political color nilang pula at berde kaninang umaga.
Nagsimula ang pagtitipon kaninang alas-sais ng umaga sa Aklan Provincial Capitol ground, at bandang 6:30 ng umaga ay ganap na nagsimula ang caravan na hinati naman sa dalawang ruta: sa kanlurang distrito (western district) at silangang distrito (eastern district) ng Aklan.
Naglibot para sa Western district ang mga taga-suporta mula sa Kalibo at dumaan sa Numancia, Makato, Tangalan (via Jawili), Ibajay, Nabas, Malay, Buruanga, Libertad, Antique, at lumabas sa Pandan, Antique pabalik sa Kalibo. Samantala, sa eastern side ay papunta sa Banga, Balete, at Altavas. Ang mga taga Madalag at Libacao naman ay nag motorcade papuntang Banga upang makasama ang Eastern Team.
Nag-abang naman sa daanan ang mga taga-suportang hindi nakasama sa caravan suot ang kulay pulang damit, at nagwagayway ng mga tarpaulin at flaglets bilang pagpapakita ng katapatan sa mga kandidato.