ni Amiel Zaulda
Nasa land clearing status na ang konstruksiyon ng magiging pinakamalaking convention center sa Panay na Capiz Convention Center na may lawak na dalawang hektarya sa Pueblo de Panay na sakop ng Brgy. Lawaan, Roxas City.
Gagamitin ang convention center bilang pagdarausan ng iba't ibang pagtitipon, pagpupulong, at maging evacuation site sa oras ng kalamidad at emergency.
Ang lupain na pagtatayuan ng 5,000 seater, shell-inspired convention center ay donasyon ng pamilya ni Jose Neri "Bubbles" Ong ng Pueblo de Panay sa lokal na pamahalaan ng Roxas City at idinesenyo ng United Architects of the Philippines-Capiz Chapter.