Ni Jed Nykolle Harme
Usap-usapan ngayon sa social media kung sino nga ba ang salarin sa kababalaghang nangyari kagabi sa Brgy. Paningayan sa bayan ng Madalag matapos madatnan ng may-ari na patay na ang kaniyang mga alagang manok.
Ayon sa Facebook post ni Camille Yeban, nagtataka umano sila dahil malinis ang pagkakagawa at wala silang makita maski bakas ng dugo sa mga ito.
Larawan: Camille Yeban |
"Bisan dugo or magkalat nga ueo o pakpak ag mga tina-i ku manok, uwa gid kami it makita! Ag kahimis himis git a ro pag ubra!"
"Kun sin-o ka man nga aswang o kun nanu ka man nga panueay ka. Haman it dinali mo gid tanan ro mga manok namon nga naka higot?"
"Kat mga kanami git ang manok ing tinueon. Kun sin-o ka man nga maeain it ginhawa kunta wa ka eon nagpabilin. Dahil bukon eang it basta-basta ro nag-ubra kara." kwento pa ni Camille sa kaniyang Facebook post.
Hanggang ngayon, hindi pa rin umano nila alam kung sino ang may gawa nito. Dagdag pa niya, hindi umano basta-basta ang nangyaring ito sa kanilang bayan.
"...halin pa kato namon gina-inaywanan amung baeay nga uwat tawo hay makara eang gid natabo kamon ra." sabi pa ni Camille sa panayam kasama ang Explained PH Aklan.
Pinaalalahanan naman ni Camille na mag-ingat at maging mapagmatyag umano ang lahat dahil dito.