By Explained PH - Aklan
Nangunguna sa listahan ang probinsya ng Aklan sa limang lugar sa Pilipinas na mayroong 'very high' COVID positivity rate, ayon sa ulat ng OCTA research kahapon, Hulyo 16.
Pumalo sa 31.9 porsyento ang positivity rate sa probinsya noong Hulyo 15, mas mataas kumpara sa sa 26.9 porsyento noong Hulyo 9.
Sumusunod sa listahan ang bayan ng Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac na mayroong positivity rate na mas mataas sa 20%.
"In provinces where the positivity rate is very high, i.e. above 20%, the public is strongly advised to practice necessary caution to prevent Covid infection." wika ni Dr. Guido David, OCTA Research Fellow, Ph.D. sa kaniyang tweet ngayong araw.