Imahen ng Sto. Niño sa Southern Leyte, nasira ng Bagyong Odette

Ni: Amiel Roy Zaulda

Larawan: Gevic Epiz

Hindi nakatakas sa hagupit ni Bagyong #OdettePH noong Disyembre 17 ang Sto. Niño Shrine sa Mahayahay Mangrove Park sa Brgy. Mahayahay, Maasin City, Southern Leyte nang masira ito buhat ng malakas na hanging dinala ng bagyo. 

Buo pa rin ang rebulto ngunit makikita sa litrato ni Gevic Epiz na ang imahen ng Sto. Niño ay bumaklas mula sa kinatatayuan nito. 



Makikita rin sa litratong binaha ang paligid ng shrine at, sa kasamaang palad, nakalbo ang mga bakhaw sa palibot nito. 


Nagbigay naman ang mga netizens sa Facebook ng kanilang opinyon tungkol dito—may ilang sinisi ang insidente sa mahinang pundasyon sa pagpapagawa ng imahe, at may ilang kinutya ang mga tao dahil sa pagkakaroon ng mga rebulto.


Ipagdiriwang noong Enero 15 ang Pista ng Sto. Niño ng mga taga-Southern Leyte.


Previous Post Next Post