nina: Amiel Roy Zaulda at Jayrha Jayle Yap
IN PHOTOS: Damang-damang na ang Kapaskuhan sa mga munisipyo ng Kalibo, Makato, Nabas, New Washington, Tangalan, at Malay matapos na pormal na pailawan sa publiko ang Town Hall, Christmas tree, at lagyan ng mga palamuting pampasko sa kani-kanilang "opening of lights” na sinabayan pa ng fireworks display at iba’t ibang palabas.
Kalibo
Bilang pagpapatuloy ng taunang tradisyon sa Kalibo, ginanap ang "Iwag it Kalibonhon 2021" na isang opening of lights ceremony sa Kalibo Pastrana Park noong Nob. 30 na naghudyat sa mga Kalibonhon na papalapit na ang Pasko. Sinamahan ng makulay na fireworks display ang napakataas na Christmas tree na pinalamutian ng Christmas balls, Christmas lights, at iba't ibang makukulay na ornamento.
Mga Larawan mula kay Paul Angelo Millado |
Makato
Nag-umapaw naman ang samo't saring kulay sa Makato Town Hall buhat ng fireworks display sa kanilang opening of lights noong Ika-1 ng Disyembre kung saan ipinakita sa mga taga-Makato ang Christmas tree ng kanilang lalawigang pinalamutian ng mga makukulay na parol at Christmas wreath.
Mga Larawan mula kay Lit Del Valle Doromal |
Unidos National High School, Nabas
Nagpasiklaban din ng mga kulay sa Unidos National High School sa munisipalidad ng Nabas sa katatapos lang na opening of lights ng paaralan noong Dis. 1. Bukod sa mga palabas at highlight na fire dancing performance, natatangi ang nasabing aktibidad dahil ito ang kauna-unahang opening of lights ng paaralan at sa buong munisipalidad.
Mga Larawan mula Her Travelography Facebook page |
New Washington
Naging agaw-pansin naman ang opening of lights ng munisipyo ng New Washington na ginanap sa New Washington Plaza and Town Hall noong Dis. 3 nang tinampok dito ang kanilang life-size belen na pinalibutan ng cherry blossom trees-inspired na mga dekorasyong puno at simpleng kulay puti na Christmas tree.
Larawan mula kay Sherwin Pamatian Sardon |
Tangalan
Nagniningning din ang Town Hall at Plaza ng munisipalidad ng Tangalan matapos ang opening of lights nito noong ika-3 ng Disyembre. Binigyang kulay ang paligid ng mga punong napapalibutan ng asul at pulang Christmas lights at parol sa tuktok pati na rin ang iba’t ibang dekorasyong pampasko. Tampok din dito ang firework display bilang dagdag kasiyahan sa pagbubukas ng pailaw.
Larawan mula Gervin Javier Cawaling |
Larawan mula Kristian Talislis De Gregorio |
Brgy. Manocmanoc, Malay
Nauna namang pinailawan ng Brgy. Manocmanoc sa munisipalidad ng Malay ang isla ng Boracay nang idaos nila ang kanilang opening of lights noong Dis. 3. Bukod sa mga Christmas light at dekorasyong parol, naging atraksiyon sa nasabing aktibad ang human-size belen sa loob ng Christmas tree ng barangay na gawa sa mga inirecycle na boteng plastik.
Mga Larawan mula sa Barangay Manocmanoc Facebook page |