Panukala sa Bawas-Pasahe sa PUVs, Inilabas ng LGU Malay

 ni Amiel Zaulda

Bumaba nang kalahati ang special fare tariff o ang karagdagang bayad sa regular na pamasahe sa mga pampublikong sasakyang namamasada sa Mainland Malay at isla ng Boracay, alinsunod sa panukalang inilabas ng LGU Malay, Nob. 7.

Apat na pasahero ang maaaring sumakay sa tricycle na may limang pisong dagdag-bayad sa bawat pasahero, noon ay sampung piso, sa mainland Malay.

Sa isla ng Boracay naman ay anim na pasahero ang maaaring sumakay sa mga e-trike for hire at limang piso na lamang ang dagdag pasahe sa bawat pasahero, na dati ay sampung piso sa regular na pamasahe samantalang sa mga multicab for hire ay siyam na pasahero na ang maaaring sumakay.

Gayunpaman, binigyang-diin pa rin ng LGU Malay na kailangan pa ring magsuot ng face mask at eye protector ang mga tao kapag nasa pampublikong sasakyan.
Previous Post Next Post