Kinulayan ng Pink ng Grupong Youth for Leni - Aklan Chapter ang Lalawigan ng Aklan

 ni Amiel Zaulda

Kinulayan ng pink ng grupong Youth for Leni - Aklan Chapter ang lalawigan ng Aklan kaninang umaga sa kanilang inorganisang "Pink Caravan" bilang suporta kay presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

Ibinida sa mga sasakyan na ginamit sa caravan ang samu't saring palamuti gaya ng tarpaulin na may "HALA BIRA! AKLANONS FOR LENI," "LENI, KIKO 2022" at kulay pink na mga lobo at flaglet.

Nagsimula kaninang alas-sais ng umaga ang "Pink Caravan" at hinati ito sa tatlong segment. Ang unang segment ay nagsimula sa Jamindan, Capiz at Altavas, Aklan hanggang Kalibo, Aklan.

Nagkaroon naman ng stopover sa Kalibo kung saan ang convening point ng mga taga-suporta ni VP Robredo ay sa Pastrana Park at nagdaos muna ng misa sa Kalibo Cathedral kaninang alas-siyete ng umaga bago tumuloy sa susunod na segment.

Ang ikalawang segment naman ay mula Kalibo hanggang Ibajay, at nagsimula ang ikaylong segment sa Ibajay hanggang sa destinasyon nito sa Malay.

Maliban sa Youth for Leni-Aklan na nag-organisa ng caravan, dumalo rin ang mga Aklanong taga-suporta ni Robredo na nagsuot ng kulay pink na damit bilang pagpapakita ng kanilang pakikiisa sa pagtitipon.

Photo: Guilmar Ortega Nervar


Previous Post Next Post