ni Jayrha Yap
Inilunsad ang kauna-unahang Sari-Saring Aralan (SSA) Community sa Visayas at ang kanilang Learning Hub na naglalayong magbigay ng pagkakataon na matulungan ang mga out-of-school youth na nasa edad 15-24 taong gulang kahapon, Oktubre 22 sa Caticlan Civic Center.
Sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan ng Caticlan at Ayala Foundation, Inc. katuwang ang Local Government ng Malay at Mitsubishi Corporation, binuo ang Community Learning Hub na mayroong 12-month youth development program.
Nakatanggap din ang 50 recipients na kasapi sa Community Learning Hub ng tag-iisang unit ng cellphone at SIM card mula sa pondo ng SK Caticlan.
Unang pinagsilbihan ng SSA ang mga kabataan ng Tondo sa Maynila noong 2018 at sa pamamagitan ng suporta ng iba't ibang pampubliko at pribadong organisasyon, pinalawak ang SSA hanggang sa El Nido sa Palawan at Cagayan de Oro City hanggang sa napagdesisyunan nilang maglunsad na rin sa Visayas.
Dumalo sa nasabing programa sina Vice Governor Boy Quimpo, Mr. Israel bilang kinatawan ni Vice Mayor NiƱo Cawaling, Punong Barangay ng Catican na si Mr. Rannie Tolosa, Brgy Council SK Blessie Diestro Jizmundo, at ang Ayala Foundation, Inc. sa pangunguna ng kanilang president na si Mr. Ruel Maranan.