ni: Explained PH - Aklan
Aprubado na ng Department of Health (DOH) na maging primary hospital ang kasalukuyang Kalibo Health and Birthing Center, ayon kay Mayor Emerson Lachica.
Sinabi ng alkalde na naglaan ng kaukulang budget ang DOH para maging opisyal na ospital na ang naturang center at mapaglingkuran nang maayos ang mga Kalibonhon.
Inamin naman ni Lachica na malaking hamon pa rin umano ang Personnel Services (PS) limitation sa kanila dahil kinakailangang mag-hire ng mga doktor, nars, at iba pang medical personnels para dito.
Kaugnay nito, magkakaroon umano ng bagong organizational structure ang lokal na pamahalaan ng Kalibo para madagdagan ang mga posisyon sa kanilang opisina sa susunod na taon.
Samantala, hinihintay na lamang ng alkalde ang "go signal" ng DOH at sakaling maibigay ito, isasailalim ang naturang center sa Economic Enterprise kung saan wala nang PS limitations.