Firefighter, Patay sa Banggaan sa Kalibo

nina Samuelle Saluta & Kyle Macolbacol

Larawan: Bfp Rsix Kalibo FireStation

Patay ang isang 26 anyos na firefighter sakay ng kaniyang motorsiklo, matapos ma-Hit and Run bandang alas 8:25 kagabi sa Old Buswang, Kalibo.

Kinilala ang biktima na si Daryl Silva mula sa Bakhaw Sur, Kalibo.

Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nanggaling umano si Silva sakay ang kanyang motorsiklo sa Old Buswang papuntang Poblacion, Kalibo nang makasalubong niya ang tricycle na minamaneho ni Christopher Quindo, 31, sakay ang kaniyang asawa at anak.

Lumiko umano pakaliwa papasok sa Bakhaw Sur ang traysikel at bumangga ito sa motor ni Silva.

Agad namang dinala si Silva sa ospital na kalauna’y binawian din ng buhay, matapos magtamo ng malubhang head injury habang isinusugod sa ospital.

Sinubukan pa umanong tumakas ni Quindo dahil na rin sa panic ng aksidente. Inuna umano nitong alalayan ang kaniyang mga anak na may sugat ding natamo sa nasabing banggaan.

Samantala, inaresto naman ng mga pulisya si Quindo sa bahay ng kaniyang biyenan, bandang 7:00 ng umaga.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Kalibo PNP si Quindo para sa karampatang disposisyon, maging ang mga naaksidente nilang traysikel at motorsiklo.

Nakatalaga siyang kasuhan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.
Previous Post Next Post