ni Amiel Zaulda
Idinaos ng ARMPBA ang kanilang Second Consultative Meeting for Calendar Year 2021 sa Aklan Agri-Aqua Demonstration Farm and Training Center sa Barangay Nalook sa Kalibo noong Oktubre 22, sa pangunguna ni ARMPBA President Margarito Andrade.
Layunin ng consultative meeting ang pagbuo ng ARMPBA ng partnership kasama ang gobyerno ng Aklan at ipaalam sa mga Aklanon ang industriyang rabbitry dito sa probinsiya.
Bukod sa mga Aklanon rabbit breeder at meat producer, dumalo rin sina SP member Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz, PAFC Sectoral Committee Chairperson on Poultry and Livestock Engr. Ricardo Agravante Jr., at maging ang mga kasapi ng Provincial Agriculture Office at Provincial Veterinarian Office.
"Congratulations Aklan Rabbit Meat Producers and Breeders Association and looking forward to a fruitful partnership with the Provincial Government of Aklan," ani SP Dela Cruz sa isang Facebook post.
Tampok din sa pagtitipon ang iba't ibang putahe ng karne ng mga kuneho gaya lamang ng litsong kuneho, sisig, at inubaran.